Aprubado na sa kamara sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magtatatag ng Siargao Islands Development Authority (SIDA).
Layunin ng House Bill 10683 na i-promote ang sustainable development ng isla.
Umani ng 224 votes ang bill na may hurisdiksyon sa Siargao Island at nakapaligid na islets nito.
Bubuuin naman ang sida ng 16 na miyembro ng kinatawan ng apektadong local government units, Departments of Tourism (DOT), agriculture at pribadong sektor.
Nakasaad din sa panukala ang otorisadong kapital ng sida na nagkakahalaga ng 200 million pesos.