Pinalawig na ng Department of Education (DepEd) sa mas maraming public at private schools sa buong bansa ang pagsasagawa ng limitadong in-person classes.
Inatasan ni DepEd Secretary Leonor Briones ang lahat ng regional directors na simulan na ang “progressive expansion phase” ng face-to-face classes para sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Ang expansion phase ang ikalawang three-part plan upang muling buksan ang basic education schools matapos ang halos dalawang taong pagsasara dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang mga paaralan ay dapat makatugon sa school safety assessment tool bago payagang magsagawa ng limitadong in-person classes sa mga lugar na nasa ilalim ng alerts level 1 at 2.