Umapela ang ilang public utility driver sa Metro Manila na itaas ang kapasidad ng pasahero sa mga jeep upang maibalik na ang kanilang nawalang kita.
Ito’y makaraang ibaba sa alert level 2 mula sa level 3 ang National Capital Region simula Pebrero a-1.
Gayunman, iginiit ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na mananatili sa 70% ang public transportation capacity
Inihayag anya ng Inter-Agency Task Force na kailangang maging gradual ang increase sa kapasidad ng pampublikong transportasyon dahil mayroon pa ring pandemya. —sa panulat ni Mara Valle