Nabuking ng isang guro ang muling paglutang ng bentahan ng thesis, assignment at iba pang school work sa ilang facebook group.
Ayon sa kay alyas Dencio, isang senior high school at college lecturer, nahuli niya ang kanyang estudyante na walang maisagot sa mga tanong tungkol sa chapter 2 at 3 sa ipinasa nitong thesis.
Isa anyang kaklase ng kanyang estudyante ang nag-tip na iba ang nagsulat ng thesis at kalauna’y napaamin din sa takot na hindi maka-graduate.
Working student umano ang nahuling mag-aaral kaya’t nagawa nitong tumangkilik ng naturang serbisyo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Facebook upang matanggal ang mga group na naglalako ng mga school work. —sa panulat ni Mara Valle