Pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga babaeng muslim personnel na magsuot ng hijab bilang kanilang official uniform.
Ang bagong polisiya ang ipinatupad simula noong Enero 25.
Ang ‘hijab’ ay isang salitang arabic na nangangahulugang ‘being covered’ kung saan tanging ang mga miyembro ng pamilya na maituturing na mahram ang pwedeng makakita sa kanilang walang cover.
Umaasa naman ang hanay sa pcg sa pamamagitan ng polisiya ay mas maraming babaeng muslim ang mahihikayat na lumahok sa PCG. —sa panulat ni Abigail Malanday