Hindi dapat gawing requirement ng mga establisyimento sa National Capital Region (NCR) ang booster shot.
Ito ang sinabi ni Department of Health Technical Advisory Group Dr. Edsel Salvana kaugnay sa rekomendasyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kailangan ng mga establisyimento sa Metro Manila ang patunay na nabakunahan na ng booster shot sa Marso o Abril.
Aniya, malayo pa sa panahon na mabibigyan ng booster dose ang lahat ng indibidwal dahil marami pang hindi natuturukan ng first dose.
Samantala, nagbabala si Salvana sa publiko na huwag makampante sa banta ng COVID-19 dahil sa pagbaba ng mga kaso araw-araw. —sa panulat ni Airiam Sancho