Isang sunog at naaagnas na bangkay ang natagpuan sa liblib na lugar sa San Miguel, Bulacan.
Ayon sa San Miguel Municipal Police, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa natagpuang bangkay sa Sitio Cogonan, Barangay Sibul.
Mag-aalas dose ng tanghali nang madiskubre ang hindi pa nakikilalang bangkay na nakasuot ng hikaw at blonde ang buhok, naaagnas at unti-unting kinakain ng aso ang ilang bahagi ng katawan.
Agad rumesponde ang mga otoridad pero ipinakuha na ng mga barangay officialsa punerarya ang sunog nabangkay.
Posibleng itinapon ang biktima dahil walang naitalang missing person sa naturang lugar.