Umabot na sa mahigit 900,000 indibidwal sa lalawigan ng Isabela ang nagparehistro sa Philippine National Id System (PhilSys).
Sa pahayag ni PhilSys focal person Cristilu Geronimo ng PSA Isabela, nasa 938,939 o katumbas ng 59% ng target ang kabuuang bilang ng mga nakatapos na ng step 2 sa PhilSys.
Ayon kay Geronimo, bukas ang mga registration centers sa bawat lokal na pamahalaan kung saan, mayroong 74 registration kits sa lalawigan na maaring magamit sa pagpaparehistro sa tanggapan ng PSA Isabela sa City of Ilagan na mayroong tatlong kits.
Sa ngayon, sinisimulan na ring magtala sa mga batang lima pataas.
Pinaalalahanan naman ni Geronimo ang mga nakakuha ng National ID na ingatan ang mga ito upang hindi mawala.
Bukod pa diyan, nanawagan din si Geronimo sa punong-barangay na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na magparehistro na rin para sa Philippine National ID. —sa panulat ni Angelica Doctolero