Patay ang pitong miyembro ng isang pamilya sa gas leak sa Cairo, Egypt.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon pa ng sunog sa lugar kung saan, nasa edad 13 hanggang 26 ang mga nasuffocate dahil narin sa usok.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagtagas ng gas. —sa panulat ni Angelica Doctolero