Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na naka- granular lockdown dahil sa umiiral na pandemiya ng COVID-19.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Command Center, mula sa mahigit 800 ay bumaba na lang sa 708 ang granular lockdown areas.
Nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming granular lockdown areas ang Cordillera na may 404, Ilocos na may 198 at Cagayan na may 84.
Samantala, batay pa sa datos ng PNP ay aabot sa 1, 306 na indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa buong bansa.
Nanatiling naka-deploy ang mga tauhan ng PNP at force multipliers upang matiyak ang health protocols sa mga apektadong lugar. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)