Napabilang sa Senate slate Ng Uniteam nina presidential aspirants Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte si Department Of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gringo Honasan.
Ito ang pang-11 sa senatorial ticket ng UniTeam.
Sa inilabas na pahayag ni Bongbong Marcos, natuwa ito sa pagkakasama ni Honasan sa kanilang Senate slate na tulong upang maraming pilipino ang maging maganda ang buhay.
Si Honasan ay nagtapos sa Philippine Military Academy at may ‘military career’ bago pumasok sa pulitika taong 1995 at naging senador mula taong 1995 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2019.
Samantala, ang reform party ni Honasan ay nagdeklara rin ng suporta para sa kandidatura ni Marcos at at ni Sara Duterte.
Sa resolusyon nitong Enero 21, ipinakita ng mga opisyal ng partido ang kanilang mga lagda bilang deklarasyon ng suporta sa BBM-SARA UniTeam.
Nagdesisyon ang grupong suportahan ang BBM-SARA uniTeam dahil iisa ang adhikain ng mga ito at kanilang partido.