Aabot sa P19.1B ang kailangan para maayos ang mga paaralang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon sa Department of Education (DEPED), nasa 5,535 paaralan ang hindi pa naaayos na nadagdagan pa ng 10,658 matapos ang pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Ang Central Visayas ang pinaka-naapektuhan ng bagyo kung saan 1 ,455 paaralan ang nasira, sinundan ng CALABARZON na may 515.
Nasa 4.4M mag-aaralal naman ang naapektuhan dahil sa bagyo. —sa panulat ni Abby Malanday