Kabuuang 11,378 law graduates ang kumuha kahapon ng pagsusulit sa unang araw ng two-day bar exams sa 31 local testing sites sa bansa.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, ito ang pinakamalaking batch ng bar examiness na pupuno sa kakulangan ng mga abogado sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kabuuang 11,790 law graduates na nagbayad ng kanilang application fee, 11,378 ang dumalo sa unang araw na nasa 96.5% na turnout.
Ngayon, Pebrero 5 magaganap ang ikalawang araw ng pagsusulit.
Ginawa ito sa pamamagitan ng laptop ng mga examinees imbes na sa tradisyunal na papel. —sa panulat ni Abby Malanday