Nasunog ang Embahada ng Russia sa Makati City alas-8:25 kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa second floor ng embassy at umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula makalipas ang halos isang oras.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at tinatayang pinsala sa mga ari-arian. —sa panulat ni Kim Gomez