Labing isang katao ang patay nang tangkain ng mga sundalo na ibagsak ang Pangulo ng Guinea-Bissau na si Umaro Sissoco Embalo.
Ayon kay Minister of Tourism at Spokesman Fernando Vaz, na ang tangkang kudeta ay kinabibilangan ng mga pwersang militar, para-militar at apat na sibilyan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.
Gayunpaman, patuloy na nagpapatrolya ang mga sundalo sa mga kalye, gayundin ang operasyon ng mga negosyo sa lugar.