Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Publication and Untterances ang tatlong indibidwal na sangkot sa isang shooting prank sa Marikina.
Sa nasabing prank video, pinagpiyestahan ito sa social media na umani ng 8M views at 90K reactions.
Makikita sa video na hinabol ng dalawang rider ang isang suv dahil nakabangga umano ito sa isang motor.
Nang maabutan at makorner ng mga rider ang drayber ng suv ay dito na nagkaroon ng mainit na sagutan sa dalawang panig.
Iginiit naman ng suv driver na wala itong nabangga at walang karapatan ang mga rider na siya’y harangin sa kalsada.
Dahil dito, kumuha ng baril ang may-ari ng sasakyan at binaril ang isang rider.
Ngunit ang naturang pangyayari ay isa palang prank o hindi makatotohanang insidente.
Samantala, humingi na ng paumanhin ang tatlong indibidwal matapos ulanin ng batikos. —sa panulat ni Airiam Sancho