Itinanghal ang Filipino-American singer-songwriter na si Olivia Rodrigo bilang 2022 billboard’s Woman of the Year.
Ibinigay sa singer-songwriter ang parangal matapos ang iba’t-ibang achievements noong 2021 tulad ng kanyang hit debut album na Sour.
Ayon sa billboard, tiyak na magiging pop music legend si Olivia dahil sa husay nitong magsulat ng mga awitin na nakaka-relate sa iba’t-ibang henerasyon.
Matatanggap ni Olivia ang kaniyang parangal sa Billboard Women in Music Awards Ceremony sa Marso taung kasalukuyan.
Samantala, ilulunsad ni Rodrigo ang kanyang sold-out 2022 Sour tour, na bibisita sa higit sa apat na pung pangunahing lungsod sa buong North America at Europe na tiyak na inaabangan na.—sa panulat ni Kim Gomez