Arestado ang 31 pigeon breeders matapos lumabag sa health protocols sa Quezon City.
Nangunguna sa grupo si Richard Gravidez na inaresto ng Quezon City Police District Station 7 sa N. Domingo Street sa Barangay Kaunlaran.
Ayon kay Station Commander Lieutenant Colonel Elizabeth Jasmin, nakita ng Anti-Crime Operation ang grupo na hindi sumusunod sa social distancing at wala pang suot ng face mask ang iba.
Agad dinampot ang mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. —sa panulat ni Abby Malanday