Inaasahan ng gobyerno na magbibigay ng hindi bababa sa 5 milyong vaccine doses kontra Covid-19 sa national vaccination drive sa Pebrero a-10 at a-11.
Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), na uunahin ang mga lugar na may mababang inoculation rate, lalo na sa mga senior citizens at mga may comorbidities.
Gayunpaman, katuwang ng pamahalaan ang mga local government units (LGUs) at pribadong sektor, na nagpatupad din ng iba’t-ibang hakbang upang palakasin ang booster vaccination.
Samantala, tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na ang mga bakuna ay ligtas at mabisa kontra Covid-19. —sa panulat ni Kim Gomez