Nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng 30,000 doses ng Pfizer’s Covid-19 vaccine para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Ayon sa pamahalaang lungsod, dumating ang mga bakuna sa Sta. Ana Hospital at nasa 18,488 ng nasabing age group ang nag-sign up online para sa pagbabakuna.
Samantala, maaaring irehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak sa manilacovid19vaccine.ph. —sa panulat ni Kim Gomez