Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na nakatanggap sila ng halosb P800-M pondo mula sa 2022 National Budget para sa research and development activities ng virology and vaccine science and technology institute.
Ayon kay DOST secretary Fortunato Dela Peña, noong 2021 pa lang ay walong proyekto na ang inihanda ng kagawaran para sa institute kung saan hindi lamang nila pag-aaralan ang katangian ng virus kundi ang paglikha rin ng mga produkto tulad ng diagnostic kits.
Samantala, itatayo sa clark green zone ang nasabing vaccine and virology institute. —sa panulat ni Airiam Sancho