Isang linggo bago sumapit ang araw ng mga puso, nagsimula nang magtaas o dumoble ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila.
Ayon sa ilang mga Flower Vendor, tumaas ang presyo ng mga bulaklak dahil sa mataas na singil na ipinapatong ng mga supplier.
Ang kada bouquet ng Red Roses ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,300 kumpara sa dati nitong presyo na P500 hanggang P600.
Tumaas naman sa P1,000 ang dating P300 hanggang P400 ng isang dosenang red roses.
Nagmahal nadin ang iba pang klase ng bulaklak tulad ng pink roses na dating nasa p300 hanggang p400 ay nasa p900 na ang kada bouquet.
Nasa P600 hanggang P700 naman ang kada bouquet ng Sun flower na dati ay nasa P500 lang.
Sa ngayon, matumal pa ang benta o kita ng mga vendor habang papalapit ang Valentines Day. —sa panulat ni Angelica Doctolero