Bukas ang Malacañang na makipag-usap sa mga magbababoy upang hindi matuloy ang bantang pork holiday ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte, nakahanda ang pamahalaan na makinig sa mga hinaing ng mga nasa likod ng industriya ng baboy at iba pang mga poultry products.
Ilan sa mga concern ng mga ito ay sinusolusyunan na ng gobyerno tulad ng paghihigpit ng Bureau of Customs sa mga pumapasok na poultry products sa bansa.
Una rito ay nagbanta ang Swine Development Council na maglulunsad sila ng pork holiday dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang talamak na smuggling ng karne ng baboy sa bansa.
By Rianne Briones