Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Baguio City sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibaba na sa Alert level 2 mula sa Alert level 3 status ang kanilang lalawigan dahil sa kanilang umaayos na sitwasyon sa kaso ng Covid-19.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang case reproduction number sa Baguio City ay patuloy ang pagbaba matapos nitong tumaas noong Enero 3. Mula sa 693 kaso kada araw, bumaba na ito ngayon sa 141.
Sa report ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo sa management committee nitong Pebrero a-2, ang epidemic risk level sa lungsod ay nasa “moderate risk” na, base sa average daily attack rate at ang 2 linggong growth rate, nitong Pebrero a-1.
Nabatid na bumagsak ang average daily attack rate (ADAR) sa Baguio sa 74 kada 100,000 populasyon mula sa 98 kada 1,000, habang ang 2-week growth rate naman ay bumaba sa -29% mula sa dating 187%. –Sa panulat ni Mara Valle