Nadagdagan pa ang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa umiiral na election gun ban ng COMELEC
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes, umabot na sa 859 ang mga gun ban violator na kanilang naaresto
Nangunguna sa pinakamaraming nahuli sa NCR, sinundan ng Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas.
Nabatid na ang parusa sa paglabag sa gun ban ay pagkakulong mula isa hanggang anim na taon
Samantala, sinabi naman ng PNP na nakapaglatag sila ng mahigit 40,000 na checkpoints sa buong bansa