Planong mamahagi ng incentives ang Quezon City Government sa mga pamilyang magpapabakuna kontra COVID-19.
Layunin nitong mabakunahan ang lahat ng mga batang edad 5 hanggang 11 sa lungsod.
Umaasa ang pamahalaang Lokal ng Quezon City na sa pamamagitan ng Incentive Scheme ay mahihikayat nito ang mas maraming residente na magpabakuna partikular na sa mga kabataan at bumalik para sa Booster shots.
Nangako naman ang QC LGUs na hindi katatakutan ng mga bata at magiging “joyful experience” ang pagbabakuna. —sa panulat ni Angelica Doctolero