Kinukunsidera na ng Pamahalaan ng Japan na aprubahan ng mas maaga ang pagpapalabas ng COVID-19 Medication pill na dinedevelop ng kumpanyang Shionogi.
Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, posibleng sa susunod na linggo aprubahan ang paggamit ng COVID-19 pill kahit hindi pa tapos ang Clinical trial nito.
Sa pagtaya naman ni isao Teshirogi, Chief Executive Officer ng Shionogi, sapat para sa 1M katao hanggang sa pagtatapos ng Marso ang I po-produce na COVID pills.
Samantala, plano naman nina Kishida at Teshirogi na palakasin at palawigin ang produksyon ng pill upang makapaglabas ng sapat na mga tableta para sa 10M katao taun-taon simula sa Abril. —sa panulat ni Mara Valle