Nasa 460 kumpiskadong deformed steel bars ang winasak ng Department of Trade and Industry sa Nueva Ecija.
Ayon kay Bobby Faronilo, DTI chief trade industry specialist sa Nueva Ecija, ang 10-millimeter steel bars ay nakumpiska sa isang hardware sa bayan ng Santa Rosa noong November 2020.
Hindi anya tumalima ang manufacturer sa standards ng mga naturang produkto na itinakda ng Bureau of Philippine Standards.
Ibinabala ni Faronilo na hindi ligtas gamitin ang mga nasabing bakal at maaaring magdulot ng peligro sa buhay maging sa mga ari-arian at istruktura.
Inabot ng 3 buwan bago tuluyang wasakin ang mga steel bars matapos ang mahabang negosasyon at auditing process.