Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating na batay sa pinakabagong Social Weather Stations survey na isinagawa noong Disyembre 2021.
Ayon kay SWS President at CEO Linda Luz Guerrero, nasa positive 60 ang nakuhang rating ni Pangulong Duterte.
Kumpara ito sa 52% noong Setyembre 2021 pero mas mababa ng 19% noong Nobyembre 2020.
Sa kabila nito, maituturing anyang nasa “Honeymoon period” pa rin si Pangulong Duterte kahit ilang buwan na lamang bago magtapos ang termino nito.