Nakipagsanib-puwersa ang National Solid Waste Management Commission sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources sa Department of Transportation upang mapangasiwaan nang maigi ang covid-generated waste.
Layunin nitong matiyak na maihihiwalay ang mga gámit na Covid-19 waste sa pamamagitan ng paglalagay ng yellow bins at bags sa lahat ng pampublikong sasakyan sa bansa.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, magiging konbinyente ang “yellow bins at bags” para sa mga commuter upang itapon ang kanilang mga gámit na face masks upang hindi maihalo sa ibang basura.
Dapat anyang i-segregate nang maayos at itapon ang mga facemask na posibleng may dalang mga virus kahit sino ang gumamit nito o saan man nanggaling ang mga ito.
Nag-issue naman ang NSWMC ng Resolution 1469 na nag-aatas sa DOTr na maglagay ng yellow bins at bags sa lahat ng pampublikong sasakyan para sa tamang pag-iimbak ng mga basura na may kaugnayan sa covid-19 habang nasa biyahe.