Hinimok ng Department of Health ang publiko na huwag tangkilikin ang self-administered COVID-19 test kits na hindi naka-register sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring hindi mapangalagaan ng mga pasyente ang kanilang kasulugan sakaling makakuha ng false positive o false negative result mula sa unregistered test kits.
Mababatid na dalawang self-administered COVID-19 antigen test kits pa lamang ang naaprubahan ng Fda hangang nitong January 24.
Sinabi naman ng Malacañang na 31 manufacturers ng antigen COVID-19 self-test kits ang naghihintay pa ng approval mula sa FDA.