Isang kampanya ang inilunsad ng isang advocacy group para himukin ang national candidates na isapubliko ang kanilang SALN.
Bukod dito, igigiit din ng R2RKN o Right to Know, Right Now coalition ang paglagda ng waiver ng mga presidentiable, vice presidentiable at mga senador upang makita ng publiko ang mga mahahalagang dokumento at record na may kinalaman sa mga ito.
Binigyang-diin ni R2RKN co-convenor Eirene Jhone Aguila ang nakasaad sa konstitusyon na dapat maging accountable sa lahat ng oras at pagkakataon sa sambayanan ang mga public officer at employee at magsilbi sa mga ito ng may responsibilidad, integridad, loyalty at efficiency, isulong ang patriotism at justice at manguna sa maayos na pamumuhay.
Hinamon ni Aguila ang national candidates na ilabas na ang kanilang tunay na kulay at tumugon sa hamon nilang magsumite ng SALN at lumagda ng waivers at iba pang forms na nasa website ng R2RKN.