Malaking tulong sa katawan ng tao ang pagkain ng kamote upang mapanatili ang ating malakas na pangangatawan lalo na ngayong nasa gitna parin tayo ng pandemiya.
Ayon sa mga Eksperto, maraming bitamina ang makukuha sa isang piraso lamang nito.
Nagtataglay kasi ito ng Beta-carotene na nagpapanatili para maging healthy ang ating mga organs kabilang na ang ating heart, lungs at kidney.
Mayroon din itong Anti-oxidants at mataas na bilang ng Fiber, Vitamins B6, C at E, folate o kilala bilang Vitamin B9 at Potassium na makakatulong sa pagpapalakas ng Immune system.
Dagdag pa ng mga eksperto, mainam sa katawan ng tao ang pagkain ng kamote dahil wala itong taba at mababa ang content ng Calories nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero