Opisyal nang sinimulan ng mga national candidates sa May 9 elections ang 90 araw nilang campaign period kahapon.
Sinimulan ni Ka Leody De Guzman ng Partido Lakas ng Masa sa Quezon City ang kanyang paghayag ng pag-asa na ang halalan ay maging hudyat sa pagbabago ng takbo ng pulitika sa bansa.
Inihayag naman ni Aksyon Demokratiko Standard-Bearer, Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang opisyal na bid para sa pagka-pangulo sa pamamagitan ng battlecry na “tunay na solusyon, mabilis na aksyon.”
Hinimok naman ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ng Partido Reporma sa Imus, Cavite ang mga botante na pag-isipang mabuti at piliin lamang ang mga karapat-dapat na pinuno na hindi magnanakaw ng pondo pagkatapos ng 2022 Elections.
Umarangkada rin sa Phiippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan si presidential aspirant at dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior na layuning magdala ng pagkakaisa sa mga mamamayan.
Inilunsad din sa General Santos City ni Promdi Presidential Bet at Senador Manny Pacquiao ang kanyang kampanyakahit wala ang kanyang runningmate na si Buhay Party List Rep. Lito Atienza na na-sprain umano ang tuhod.
Samantala, ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang pamana ng kanyang yumaong asawa at nangakong susuotan niya ang gobyerno ng tsinelas para hamunin ang binansagang “ginintuang kasinungalingan” na nanloloko sa mga botante. —sa panulat ni Mara Valle