Nadagdagan na naman ang mga makabagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP) na magagamit sa pagtupad nila sa tungkulin.
Ito’y makaraang ipresinta at basbasan sa Kampo Crame ngayong Miyerkules ang mga bagong biling kagamitan ng PNP na nagkakahalaga ng 576 milyong piso.
Ayon kay Director for Comptrollership P/MGen. Rodolfo Azurin Jr na siya ring Chairman ng PNP Bids and Awards Committee, bahagi ito ng kanilang Capability Enhancement Program.
Kabilang sa mga iprenisinta ay ang 10 high speed watercraft para sa PNP Maritime Group, 34 na Izusu Utility Truck, 120 Toyota Patrol Jeep at 1,700 units ng Radio Communications.
Ayon kay Carlos, agad ipakakalat ang mga ito sa bawat Police units sa buong bansa upang agad na magamit lalo pa’t papalapit na ang 2022 National at Local Elections. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)