Aabot na sa 921 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, 888 dito ay mga sibilyan, 12 ay mga Security Guard, 8 ang miyembro ng PNP habang 5 ang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at 8 ang iba pa.
Mula sa 807 operasyong ikinasa ng PNP ay aabot sa 723 ang mga nakumpiskang armas, patalim, replica ng baril, mga bahagi ng armas at iba pa habang nasa 4,563 ang mga bala.
Pinakamarami sa mga naaresto ay mula sa Metro Manila, Central Visayas, Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)