Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Tiktok user na sangkot sa bantang pagpatay kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pero ayon sa NBI, pinauwi muna ang nasabing indibidwal at pinayuhang kumuha ng abogado na tutulong sa kaniya.
Kanina, muling bumalik ang sumuko na ayaw pang pangalanan ng NBI.
Inamin nito na siya ang may-ari ng nasabing account pero mariing itinanggi na siya ang nagsulat ng pagbabanta sa buhay ni Marcos.
Nitong Enero, unang natanggap ng Department of Justice (DOJ) ang ulat kaya agad inatasan ang NBI na imbestigahan ito. —sa panulat ni Abby Malanday