Hindi pa tiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung magpapatupad ng taas-pasahe kasunod ng muli na namang taas-presyo sa langis.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra, iniiwasan ng Department of Transportation (DOTr) na ibigay ang pasanin sa mga commuters.
Para matugunan, ginagawa ng LTFRB ang lahat upang matulungan mga operators nang walang maaapektuhang pasahero.
Kinumpirma naman ni Delgra na nakatanggap na ng petisyon ang ltfrb kaugnay sa taas-pasahe.
Tinatayang nasa P1.05 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina habang P1.20 sa diesel at P1.25 sa kerosene.—sa panulat ni Abby Malanday