Suplay ng kuryente sa Luzon grid sa papalapit na eleksyon, nanganganib ayon sa isang climate and energy policy group
Nababahala ang climate and energy policy group sa posibleng kakulangan ng suplay ng kuryente sa Luzon grid lalo na sa papalapit na eleksyon.
Batay sa report ng Institute of Climate and Sustainable Cities’ (ICSC) na may pamagat na “Luzon power outlook: determining the adequacy of power supply for April to June 2022,” posible ang blackout sa ikalawang quarter ng taon dahil sa kulang na 1,335 megawatts.
Nakabase ang projection sa kasalukuyang power reserves ng bansa maging ang reports mula sa Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).—sa panulat ni Abby Malanday