Naniniwala ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na sinadyang ituon sa panahon ng eleksyon ang pagpapalabas ng wanted poster laban dito.
Sinabi ito ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio sa kabila ng pahayag ng US Embassy sa Maynila na walang kinalaman sa election ang wanted poster.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Topacio na hindi ito isang coincidence dahil Pebrero a-uno iniendorso ng Pastor ang BBM-Sara tandem at sa susunod na araw inilabas ang poster. —sa panulat ni Abby Malanday