Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang ilang coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumagpas ang mga lugar na ito sa regulatory limit, kung saan lahat ng uri ng delikadong shellfish at alamang ay natagpuan.
Ang mga lugar ay kinabibilangan ng;
- Coastal waters sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan;
- Coastal waters sa Milagros sa Masbate;
- Coastal waters sa Dauis (da-wis) at Tagbilaran City sa Bohol;
- Dumanquillas (du-man-kil-yas) bay sa Zamboanga del Sur;
- Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at
- Lianga Bay sa Surigao del Sur
Ligtas naman sa red tide ang coastal waters sa Biliran Islands; Leyte, Carigara Bay, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; San Pedro Bay sa Samar; Guiuan (gi-wan), at Matarinao Bay sa Eastern Samar. —sa panulat ni Abby Malanday