Itinuturing na person of interest ng NBI ang lalaking sumuko kaugnay sa umano’y banta laban kay presidentiable aspirtant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Humarap sa media kasama ang kanyang abogado si Bong Ricafort at itinanggi na siya ang nasa likod ng bantang pagpaslang sa dating senador.
Sinabi ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin na tuloy-tuloy ang imbestigasyon nila lalo nat posibleng maging testigo si Ricafort sa kaso.
Si Ricafort na umaming miyembro ng grupong bikers for Leni ay nagsabing hindi naman siya galit sa dating senador.