Isang babaeng 11 anyos ang nabakunahan na noong Enero kahit nito lamang Pebrero a–7 nagsimula ang COVID-19 vaccination sa mga batang edad lima hanggang labing-isa.
Ito ang napag-alaman ng DOH–National Capital Region matapos bumalik ang bata sa isang vaccination site sa lungsod ng Maynila kasama ang kanyang ina para sana sa second dose ng bakuna.
Nagulat ang coordinator sa pediatric vaccination site nang makita ang vaccination card ng bata na naturukan ng first dose noong Enero a–10.
Nakasaad na July 2010 ang birthday ng bata na pasok sa kasalukuyang vaccination roll-out sa mga edad lima hanggang labing-isa.
Bagaman iniimbestigahan na ng DOH-NCR ang insidente, inihayag ni Dr. Nina Gloriani, Vaccine Expert Panel Chief, na kailangan pa ring masubaybayan ang bata para sa posibleng side effects.
Kung malaking bulas naman anya ang bata, makakayanan naman nito ang dosage ng bakuna.