Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pa nila matiyak kung magpaptupad ng taas-pasahe matapos ang sunod-sunod na oil price increase.
Ito, ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra, ay sa kabila ng paghahain ng petisyon ng ilang jeepney operator para sa dagdag sais pesos na pasahe.
Iniiwasan anya ng Department of Transportation (DOT) na ipasa sa mga commuters ang nasabing hiling na kasalukuyan pa nilang dinidinig.
Magugunita noong Martes ay inilarga ng mga kumpanya ng langis ang ika-anim na sunod na linggong dagdag presyo sa kanilang mga produkto. —sa panulat ni Mara Valle