Mula 582 ay bumaba na sa 393 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown.
Kabilang sa mga lugar nito ang 240 areas sa Cordillera, 111 sa Ilocos, 23 sa Cagayan, 14 sa National Capital Region, apat sa MIMAROPA, at isa sa Zamboanga.
Apektado ng lockdown ang nasa 775 na indibidwal.
Binabantayan ng 126 personnel at 352 force multipliers ang mga apektadong lugar upang matiyak ang seguridad at minimum health standards. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)