Nagpasalamat si Defense Sec. Delfoin Lorenzana kay Chinese Ambassador Huang Xilian at sa People Republic of China.
Ito’y makaraang magkaloob ang Tsina ng mga kagamitang militar para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkakahalaga ng mahigit 1 bilyong piso.
Sa isinagawang turn-over sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Lorenzana na ang mga kagamitang natanggap ng Pilipinas ay para sa capability building ng Presidential Security Group (PSG).
Gayundin ang rehabilitasyon ng Marawi at maging sa iba pang Humanitarian and Disaster Relief efforts ng Pamahalaan.
Ayon sa Kalihim, patunay lamang ang donasyong ito ng China na matatag pa rin ang relasyon nito sa Pilipinas sa kabila ng mainit na usapin ng agawan sa teritoryo. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)