Dumarami pa ang bilang ng mga naaaresto ng Philippine National Police o PNP dahil sa paglabag sa pina-iiral na gun ban ng Commission on Elections o COMELEC.
Batay sa datos ng PNP, aabot sa 943 ang kabuuang bilang ng mga naaresto na kinabibilangan ng 910 sibilyan, 12 mga Security Guard, 8 Pulis, 5 Sundalo at 8 iba pa.
Mula sa 827 ikinasang operasyon ng Pulisya ay nakumpiska ang may 733 mga armas, 320 deadly weapons, 265 na mga matatalas na bagay, 55 mga pampasabog at 4,655 na bala.
Pinakamaraming naaresto ay sa National Capital Region na sinundan ng Central Visayas, Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)