Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng matinding daloy ng trapiko sa “Friday the 13th”.
Ito’y dahil asahan na umanong maraming tao ang magbabakasyon ilang araw bago ang APEC Summit.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, inaasahan na nilang dadagsa ang mga biyahero sa mga bus terminal dahil marami umanong hindi nakapagbakasyon noong Undas.
Naglatag na rin ang MMDA ng road barriers sa EDSA na magsisilbing exclusive lanes ng mga APEC delegates mula November 17 hanggang November 20.
Bukod sa suspendido ang klase sa lahat ng antas sa APEC Meeting ay idineklara na ring walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
By Jelbert Perdez