Patay ang anim na indibidwal habang sugatan naman ang tatlo pa matapos mahulog sa bangin ang isang truck sa Central Highlands ng Gia Lai Province sa Vietnam.
Base sa imbestigasyon, nagmamaneho ang driver ng truck pababa sa isang dalisdis na daan sakay ang 16 na tonelada ng kamoteng kahoy nang mabangga nito ang isang bato saka nahulog sa bangin.
Nabatid na sakay din ng naturang truck ang siyam na biktima kung saan, kabilang sa anim na nasawi ang driver ng truck habang kritikal naman sa ospital ang tatlo pang indibidwal.
Patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad sa naganap na aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero