Sampu ang nasawi habang sugatan naman ang walo pang indibidwal makaraang mahulog at tumagilid ang isang truck sa Sitio Quary, Barangay Mamawan Baliguian, Zamboanga Del Norte.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungo sa munisipyo ng labason ang nasabing truck sakay ang mga pasahero pero nang makarating sa pababang kalsada ng Sitio Quary ay nawalan ng kontrol ang driver sa manibela dahil sa brake malfunction o problema sa preno.
Ayon sa mga otoridad, overloaded ang nasabing truck dahil sa dami ng pasaherong nakasakay dahilan para mahulog ito sa mahigit 20 kilometro na lalim.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.